S-M-I-L-E and T-E-A-R-S
Hi ulit sa mga mambabasa ko. Alam kong maraming nabubuo sa isipan niyo kapag sinabing smile and tears. Mula nung ipinanganak pa lang tayo dito sa mundo ayan na ang una nating naramdaman na emosyon. Pinakamasarap sa pakiramdam ay ung makita mong nakangite ang taong mahal mo sa buhay at ang pinakamasakit naman ay ang makita mong lumuluha ang iyong mahal sa buhay. Minsan iniisiip ko kung bakit lumuluha ang tao. Alam kong maraming pagsubok o problema sa mundong pero sa bawat pagsubok at problema na hinaharap natin di’ ba pedeng subukan natin gawin masaya. Sabi sakin ng kaibigan ko. Minsan ka lang mabubuhay sa mundo bakit mo gagawin malungkot ang buhay mo. Nasabi ko nga din sa kaibigan kong yon “Natural lang sa tao ung maging malungkot, Nature natin un e” pero matapos kong sabihin yun, may mga nabuo saking puso at isipan na masmaganda siguro kung itatry natin maging masaya sa bawat sandali ng ating buhay may dinadala man tayong agam-agam at problema hindi natin dapat gawing malungkot ang ating sarili bagkus dapat nating gawan ng paraan kung paano tayo sasaya.
Be positive, Huwag natin tignan kung ano ang hinaharap dahil unpredictable ito. masmaganda kung gawin nating masaya ang kasalukuyan. Sana nabuksan ko ang isipan niyo tungkol sa pagiging positive.
-xy-
[Flash 9 is required to listen to audio.]
Chronicles of Oreo(part 6)
Bago simulan ulit ang next story ni jey at reika. Nagpapasalamat ako ng husto sa mga followers at nonfollowers kong nagtiyagang antayin at basahin ang kasunod na storya ng Chronicles of Oreo. Sana basahin niyo pa ung storya ko at makatanggal ng stress. Hangang dito na lang ang maikling mensahe ko sainyo. Salamat din kay Tine na laging nagbibigay inspirasyon sa paggawa ko ng mga ganitong storya. Para sa mga nag uusisa, si jelous at si jey ay magkaiba…
Ang sumunod na pangyayari ay nagkita din ang landas namin ng ex boyfriend ni Reika. Medyo kinabahan din ako baka magulpi ako ng ex boyfriend ni Reika medyo may kalakihan din kasi ang katawan nito.
???: Reika kamusta?
Reika: ok lang.
???: Sino yang kasama mo? boyfriend mo ba yan?
Jey: Ou pare, Jey nga pala. Sino ka ba?
???: Christian nga pala, hindi ba nakwento ni Reika kung sino ko?
Jey: Ah, ou ikaw pala ung walang kwentang ex ni Reika.
Reika: jey, tama na.
Biglang nag-init ang ulo ni Christian sa sinabi ko at bigla akong sinuntok sa mukha. Siempre bumawi ako pero inawat na kami ng mga tao sa paligid. Napahinto din ako ng makita ko ang malungkot na mukha ni Reika. Matapos kaming awatin ng mga tao ay hinila ko papalayo si Reika.
Jey: May nagawa ba kong mali?
Reika: Naiinis ako sayo.
Napatahimik ako nung narinig ko sa kanyang bibig ang mga salitang iyon. Kala ko pa naman magiging hero ko sa paningin niya… Mukang kabaligtaran pa ata ang nangyari. Matapos niyang sabihin sakin na naniinis siya ay nag - aya na lang siya umuwi.
Kasalanan to lahat ng ex ni Reika. Dapat kasi iniwasan ko na lang ung ex niya. Nasa huli talaga ang pagsisi, Sayang at hindi man lang natuloy ang panunuod namin ng sine. Mayamaya kaka-isip ko sa pangyayaring iyon ay tinext ko si Reika.
Jey: Reika..
Reika: bakit?
Jey: Bakit ka ba nainis sakin?
Reika: hindi ka kasi nakinig sakin.
Jey: Sorry, Kasi nayabangan lang ako sa ex mo.
Matapos ko magsorry ay hindi na nireplyan ni Reika ung text ko. Hindi ko alam kung eto na ba ang ending ng lahat lahat saamin ni Reika.
Paggising ko ng umaga ay nakita ko na may text si Reika sakin.
Reika: Ok lang yun. Pede ba tayong mag-usap?
Abangan ang kasunod…
[Flash 9 is required to listen to audio.]
[Flash 9 is required to listen to audio.]
All songs in my tumblr is dedicated to Tine.
[Flash 9 is required to listen to audio.]
Untitled (Part FIVE)
Dumaan ang ilang buwan. Sana tanda pa ng mga readers ko ang nakaraan ng Untitled na ito. Nagpapasalamat ulit ako sa mga walang sawang nagcocomment at nagtatanong kung kelan ang kasunod na kabanata ng mga ginagawa kong storya.
Sumunod na araw habang nagfafacebook ako. Inaantay ko na mag-online muli si Tine sabik kasi ako na makachat siya, hindi ko alam bakit kapag kachat ko siya palagay ang loob ko sa kanya. Mukang hindi ata magfafacebook si Tine ngaun, madalas kasing online yun kapag ganitong oras ako nagbubukas. Nag offline muna ko dahil may klase na ako. Habang naglalakad ako sa campus namin ay nakita ko ang klasmeyt ko nung hayskul.
J: Paige!
Paige: Ui, J!
J: napabisita ka a.
Paige: ou. namiss ko din kasi tong skul na to. Nabasa ko ung ginawa mong story aa.
J: talaga? ^_^
Paige: Sino si Tine?
J: aa. Siya yung kumukumpleto sa araw ko.
Paige: Ayie. Sweet naman. kilala ko ba yan?
J: Hindi ko sure.
Paige: Dito din nag aaral un d ba?
J: oo. Sige! una na ko may klase pa ko e.
Paige: Sige. Goodluck sainyo ni Tine.
Matapos ang pagkikita namin ni Paige. Iniisip ko kung nababasa din kaya ni Tine ang ginawa kong storya. Madami na din palang nagbabasa ng storyang isinulat ko. Wala talaga kong idea na magiging interesado ang iba sainyo sa pagtuklas kung sino si Tine.
Pag-uwi ko nang bahay, Agad kong binuksan ang aking laptop para icheck kung online si Tine. Medyo nalungkot ako sa aking nakita. Hindi kasi online si Tine. Ano kayang nangyari wala silang net? marami lang ginagawa? hays halos lahat inisip ko na ata kung bakit hindi siya nakapag internet nung gabing un. Kailan kaya ulit mag-oonline si Tine….
Abangan ang pagLOG in ni TINE..
[Flash 9 is required to listen to audio.]
Sabi nila - PREMIUM MASHOOP ANDROID APT NSTP LTS SUPERMAN BATMAN SPIDER MAN FELMAN BAND
[Flash 9 is required to listen to audio.]